Monday, October 22, 2012

Mga Kwentong Kabangagan ni Dave

Naranasan mo na bang makagawa ng mga bagay na ni minsan, hindi mo inakalang magagawa o mararanasan mo dahil sa kabangagan? Yung mga bagay na sa mga gag shows mo lang mapapanood! Nakakatawa mang isipin pero nangyayari pala talaga yun sa realidad. At ang katotohanan, walang pinipiling tao ang KABANGAGAN.

Dahil kwentong kabangan na rin lang naman ang tema ng sulating ito, hayaan nyong ibahagi ko sa inyo ang aking mga sariling kwentong katatawanan.

Habang nasa jeep galing UPLB pauwing Cavite
Nasa bandang Halang na yung jeep na sinasakyan ko. Half-asleep or half-awake ako nun, whichever you think is appropriate(HAHAHA! :-D), kaya alam ko na nasa Halang na yung jeep. Pagod na pagod talaga ako as usual dahil sa hindi matatawarang bigat ng pag-aaral sa UPLB. Kaya ayun, I took the chance to sleep habang nasa byahe.
Tulog ako pero gising na gising ang diwa ko at iniisip ko pa rin ang studies ko nung time na yun. Then, biglang nagbago, nananaginip na ata ako. Nakakatakot yung panaginip ko ah, in fairness. Tapos yung tipong nasa climax na ako nung panaginip ko, bigla daw may babaeng multo nagpakita sa harap ko.

ANYARE?

SUMIGAW LANG NAMAN AKO SA JEEP(yung napapanood natin sa palabas na hitsura ng mga bida kapag binabangugot/nananaginip sila ng nakakatakot. Naimagine ko yung sarili ko na DILAT NA DILAT NA MATA habang sumisigaw ng "AHHHH!"
Buti na lang kaunti lang kami na nandun.
Kitang-kita ko talaga kung paano nagreact yung ibang pasahero, natatawa na nagtataka. Marahil iniisip nilang OVER ako kung managinip.


Habang nasa jeep galing Gate 1 ng DLSU-D papuntang SM Pala-Pala
(Non-verbatim)


Babae sa bandang dulo ng jeep: Ma, bayad po.
Kinuha ko ang bayad, sabay abot sa driver.
Ako: Kuya, sukli daw po.
(Nang bumalik ang aking ulirat, nagtingin-tingin muna ako sa paligid. Nung tipong wala naman nakarinig, patay malisya na lang ako.)



Dalawa pa lang iyan sa mga kwentong kabangagan ko at nakaktuwang isipin na parehas pa sa jeep nangyari yun. Kayo ba, ano ang mga kwentong kabangagan nyo?

No comments:

Post a Comment