Thursday, November 1, 2012

I'm Happy Being Single

Nakakatuwang isipin na single pa rin ako ngayon.
Sa totoo lang, masaya ako sa pagiging single. Although minsan, hindi ko maiwasang mainggit sa aking kuya, sa mga kaibigan at marami pang couples lalo na kapag nakikita ko silang naglalambingan(LAMBINGAN talaga?!) Hahahaha. :-))



Normal din naman akong tao. Nagkakagusto din naman ako, yun nga lang madalas, hanggang sa pagkakacrush lang talaga. Nauunahan kasi ako ng napakaraming WHAT IFs kaya kadalasan hindi ako naglalakas loob na magsabing gusto ko ang isang tao!

Noon, umiiyak ako kapag alam kong hanggang crush na lang talaga ang nararamdaman ko. Pero ngayon ok na sa akin ang lahat! Narealize ko kasi na hindi lang naman ang pagkakaroon ng partner ang nakakapagbigay ng kasiyahan sa isang tao. At lalong hindi naman ang pagkakaroon ng bf/gf ang syang tanging magbibigay kulay sa ating buhay( TAMA BA?!).




Ok din naman talaga ang pagiging single. You'll get to enjoy everything without limitations or restrictions from anyone. Walang magagalit o magseselos kapag lumalabas ka with your friends o kaya kapag nanonood ka ng movies mo sa sinehan. In fact, kapag single ka, pwedeng-pwede kang makipag kabigan sa kahit sinong sa tingin mo ay magiging kapalagayan mo ng loob.

Sa kaso ko rin, I can focus on my studies kasi wala akong ibang taong iniintindi at kailangang alalahanin. :-))



Pero guys, baka naman awayin nyo ako dahil lang sinasabi ko yung mga bagay na sa tingin ko ay advantages ng pagiging single. Of course, marami din namang naiudulot na ksihayan when you are in a relationship. But I have to put emphasis on what my situation is, diba?

Hindi ko rin sinasabi na hindi maaring maranasan ng mga in-a-relationship ang mga nararanasan ko, at hindi ko rin naman sinasabing hindi ko maaring maranansan ang mga nararanasan nila. Wala naman kasing batas ang nagsasabi na magkaganun.

Sa huli, it is still up to us if we'll choose to be HAPPY.

Anyway, guys, pagpasensyahan nyo na lang ako. Sadyang madrama lang ako. :-)

Sa huli, naniniwala ako na ang pagiging single ay isang biyaya. Isa itong oportunidad upang malaman natin na hindi natin kailangan ng isang relasyon o nang anupaman para maranasan ang lahat ng kaligayahan at kagandahang maibibgay ng mundong ito. Sa katunayan, ang pagmamahal pa lang ng pamilya natin at ng Diyos, more than enough na eh!

No comments:

Post a Comment